P2 milyong halaga ng Marijuana Plants, Pinagsusunog

Cauayan City, Isabela- Pinagsusunog ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 10,000 piraso ng fully-grown marijuana plants na nakatanim sa higit kumulang 1,000 squaremeters sa Brgy. Bugnay, Tinglayan, Kalinga.
Ayon sa report, tinatayang nagkakahalaga ng dalawang milyong piso ang mga sinirang tanim na marijuana sa lugar.

Sa paraang ito ipinapakita ng mga alagad ng batas na hindi sila titigil upang mapuksa ang talamak na taniman ng marijuana sa probinsya.

Wala namang naaresto na nasa likod ng malawak na taniman ng ipinagbabawal na dahon ng marijuana.


Facebook Comments