NPA BILANG TERORISTA? | Desisyon ng Korte, hihintayin pa ng OPPAP

Manila, Philippines – Aabangan pa ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) ang ilalabas na pasya ng korte kaugnay sa proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa nang teroristang grupo ang Communist Party of the Philippines New People’s Army.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza, matapos ang proklamasyon ng Pangulo ay maghahain pa ng petisyon ang Department of Justice (DOJ) sa korte kaugnay sa proklamasyon.

Batay sa Section 17 ng Republic Act number 9372 o ang Human Security Act of 2007 ay kailangang maghain ng petisyon ang Department of Justice (DOJ) korte sa pagdedeklara bilang isang terorista ang isang grupo o indibidwal.


Mabibigyan din ng pagkakataon ang grupo para idepensa ang kanilang sarili at saka palang magdedesisyon ang korte sa proklamasyon ng Pangulo para tawaging terrorist group ang CPP-NPA.

Facebook Comments