ANTI-DENGUE VACCINE | Imbestigasyon, sinimulan na

15

Manila, Philippines – Inumpisahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga sa kontrobersyal na Dengvaxia.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, umarangkada na kahapon ang nasabing imbestigasyon kung saan masusi aniya itong pag-aaralan ng NBI.
Sinabi ni Aguirre na walang deadline ang pagsasagawa ng imbestigasyon pero hangad nilang matapos ito agad upang mapanagot kung sinuman ang nasa likod ng maanomalyang kontrata.
Paliwanag pa ng opisyal maging ang mga matataas na opisyal mula sa nakalipas na administrasyon ay hagip ng imbestigasyon.

Facebook Comments