NPA Guerilla Fronts sa Zamboanga del Norte, nabuwag na ayon sa militar

Matagumpay na idineklara ni 102nd Infantry Brigade Commander BGen. Leonel Nicolas, na nabuwag na ng militar ang lahat ng New People’s Army (NPA) Guerilla fronts sa Zamboanga del Norte.

Ginawa ni Nicolas ang deklarasyon sa quarterly meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Council (PADAC), at Provincial Development Council (PDC) ng Zamboanga del Norte sa Estaka, Dipolog City kahapon.

Aniya, wala nang hadlang sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran sa Zamboanga del Norte dahil nagbalik loob na sa gobyerno ang karamihan sa mga dating miyembro ng kilusang komunista.


Kasabay nito, idineklara ni Zamboanga del Norte Governor Roberto Uy na “insurgency-free” na ang Zamboanga Del Norte Base sa rekomendasyon ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).

Pinuri naman ni Maj. Gen. Generoso Ponio, Commander ng Joint Task Force ZamPeLan ang mga tropa ng 102Bde sa kanilang tagumpay.

Facebook Comments