Presidential candidate Senador Ping Lacson, naging madamdamin sa supporters na sumalubong sa kaniya sa San Jose Occidental Mindoro

50

Hindi mapigilan ni Presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson na mapaluha sa tuwa nang makita ang sangkaterbang supporters na sumalubong sa kaniya sa paglapag ng kaniyang private plane sa San Jose Occidental Mindoro.

Ayon kay Lacson, hindi siya makapaniwala sa ipinakitang buong suporta sa kaniya ng mga taga Occidental Mindoro na bitbit ang banner, streamers at ang iba nakaabang na sa kalsada makita lamang ang beteranong senador.

Paliwanag ng senador nang makita niya ang dami ng mga sumalubong sa kaniya sa Occidental Mindoro, hindi umano siya makapaniwala na 2 percent lamang ang nakuha niya sa survey gayong iba aniya ang kaniyang naramdaman sa ground.


Binigyang diin pa ni Lacson na hindi niya sasayangin ang malasakit at tiyaga ng kaniyang mga taga-suporta para panghinaan siya ng loob dahil anuman ang mangyayari ay tuloy ang laban hanggang sa halalan at kailanman ay hindi siya aatras sa kaniyang laban sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa.

Facebook Comments