NPA, Idineklarang ‘Persona non Grata’ sa Luna, Isabela!

*Cauayan City, Isabela-* Idineklara na bilang ‘persona non grata’ sa bayan ng Luna, Isabela ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA).

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Executive Master Sergeant Leilanie Corpuz, MESPO ng PNP Luna sa naging talakayan ng 98.5 iFM Cauayan sa programang Sentro Serbisyo sa kanya.

Ito’y sa bisa aniya ng isang resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Bayan at pinirmahan ni Mayor Jaime Atayde bilang pagsuporta sa implementasyon ng Executive Order No.70 ng Pangulong Rodrigo Duterte na layong wakasan ang armadong pakikibaka ng mga komunistang grupo upang magkaroon ng tuloy-tuloy na kapayapaan at kapanatagan ang bansa.


Kaugnay nito ay patuloy ang kanilang monitoring sa kanilang nasasakupan at pagbibigay paalala sa mga kabataan at mag-aaral upang makaiwas sa posibleng panghihikayat ng mga rebelde.

Ang bayan ng Luna ay kabilang sa ika-limang distrito ng Lalawigan ng Isabela na may kabuuang labing siyam (19) na barangay.

Facebook Comments