NPA, muling umatake sa Gumaca, Quezon kahit may umiiral na Unilateral Ceasefire

Nasawi ang isang miyembro ng teroristang grupong New Peoples Army (NPA) matapos na muling maka engkwentro ang mga sundalo sa Brgy. Bungahan Gumaca, Quezon kahapon.

Ayon kay Lt. Col. Edward Canlas, Commanding Officer ng 59th Infantry Battalion ng Philippine Army, isa sa kanyang mga tauhan ang binigyan ng impormasyon na may presensya ng nasa 30 miyembro ng NPA sa Brgy Bungahan.

Agad nilang kinumpirma ang impormasyon at natukoy na halos isang kilometro lamang ang layo ng mga NPA sa village na nagpa-plano umanong mangikil sa mga residente ng Brgy.


Hindi naman nila hinayaang makalapit sa mga residente ang mga NPA dahil sa pinangangambahang pagkahawa-hawa sa COVID-19.

Dahil dito nagkaroon ng sagupaan na nagresulta sa pagkasawi ng isang miyembro ng NPA.

Tiniyak ni Major General Arnulfo Marcelo Burgos Jr, Commander ng Army’s 2nd Infantry Division na ginagawa nilang ang lahat para maprotektahan ang komunidad hindi lang sa pangingikil ng mga NPA maging sa posibleng pagkahawa ng nakamamatay na COVID-19.

Una nagdeklara ng Unilateral Ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte at CPP, NPA at NDF pero may nangyayari pa rin pagaatake.

Facebook Comments