Pinay nurse sa US, pumanaw sa COVID-19

5362
Nasawi si Araceli Buendia Ilagan sa COVID-19 matapos tumayong frontliner sa Miami, Florida. (Photo: Facebook)

Nasawi sa COVID-19 ang isang Filipina intensive care unit nurse na nagtatrabaho sa Florida, USA.


Kinilala ang Pinay na si Arceli Buendia Ilagan, 63-anyos, empleyado ng Jackson Memorial Hospital sa Miami sa loob ng 33 taon, ayon sa CBS News.

Huling pumasok sa ospital si Ilagan noong Marso 24, kung kailan din siya unang nakitaan ng sintomas.

Binawian ng buhay ang nurse nitong Marso 27 — na naitalong ikatlong kaso ng pagkamatay dahil sa coronavirus sa Miami-Dade County.

Sa isang Facebook post, nagdalamhati ang kapatid niyang si Roy Buendia, at kinilala ang dedikasyon ng nurse sa kanyang propesyon.

“You’re a true ‘Hero’ in this fight against Covid-19. We love you so much and you will be in our hearts forever,” saad niya.

Mayroon ng 5,000 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Florida, 63 rito ay nasawi, habang sa buong United States naman ay umakyat na sa 150,000 ang bilang ng mga tinamaan ng virus.




Facebook Comments