NPA na nakaengkwentro ng militar sa Sultan Kudarat, patuloy na tinutugis

Manila, Philippines – Patuloy na tinutugis ang mga miyembro ng New Peoples’ Army (NPA) na nakaengkwentro ng tropa ng 39th IB Philippine Army sa Barangay Datal Blao, Columbio, Sultan Kudarat.

Ito ay tatlong araw matapos palayain ng npa ang dalawang sundalong kasapi ng 39th IB na sina Sgt. Solaiman Calocop at Pfc. Samuel Garay.

Nabatid na sumiklab ang 15 minutong bakbakan sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng grupo sa kalagitnaan ng pagpapatrolya ng militar sa nasabing lugar.


Tatlo katao ang napaulat na namatay kung saan patuloy ding inaalam kung mga miyembro ba ang mga ito ng NPA.

Sa ngayon ay nakataas pa rin ang alert level sa nasabing bayan kasunod ng nangyaring bakbakan.
Nation

Facebook Comments