NPA, ninakaw ang mga relief supplies sa nakalaan sa mga taga-Balanggiga, Eastern Samar

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na totoong ninakaw ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang bahagi ng relief supplies na nakatalaga sa mga residente ng Brgy. Guinmaayohan Balanggiga, Eastern Samar.

Ginawa ni AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo ang paglilinaw matapos na kontrahin ng ilang mga lokal na opisyal ang impormasyon.

Ayon kay Arevalo, ang report tungkol sa insidente ng 8th Infantry Division sa pamumuno ni Major General Pio Diñoso ay kinumpirma mismo ng alkalde ng Balanggiga.


Sa katunayan isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang bayan ng kahapon na komokondena sa ginawa ng NPA.

Dagdag pa ni Arevalo, maging ang mga barangay officials ay tumestigo sa ginawang pagnanakaw ng NPA sa mga supply na para sana sa kanilang mga kapitbahay.

Tiniyak ni Arevalo na handa ang AFP na tumulong sa pamamahagi ng relief goods at pondo sa Social Amelioration Program ng mga Local Government Units (LGUs) kung sila ay hihiling.

Ito ay para makatiyak na makakarating sa mga tunay na benepisyaryo ang tulong ng gobyerno at hindi sa mga mapagsamantalahan ng teroristang NPA.

Facebook Comments