NPA rebels, masyadong maraming hinihingi ayon kay Pangulong Duterte

Ayaw nang ipursige pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa mga rebeldeng komunista dahil masyadong marami silang hinihingi sa pamahalaan.

Sa interview ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ni Pangulong Duterte na nais ng mga rebeldeng komunista na magkaroon ng coalition government, pero hindi pwede ito.

Iginiit ni Pangulong Duterte na sobra ang demand ng mga rebelde na pati ang pamamahala ay nais nilang magkaroon ng partisipasyon.


Muli ring binanatan ng Pangulo ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) dahil sa pagpatay sa mga sundalong tumutulong sa humanitarian missions sa harap ng COVID-19 crisis.

Facebook Comments