NPA sa Zamboanga del Sur, inako ang pagsunog sa equipment ng construction company

Zamboanga del Sur, Philippines – Inako ng nagpakilalang Mario Jose ang spokesperson ng New People’s Army (NPA)-Zamboanga Peninsula Regional Operations Command ang pag-sunog sa mga kagamitan ng construction company sa Zamboanga del Sur na pagmamay-ari ng dating kongresista ng unang distrito sa lalawigan.
Sa sulat na ipinadala sa RMN Pagadian, mula rebeldeng grupo at pinatawan umano nila ng parusa ang Ramona Construction Company sa bayan ng Dumingag, dahil daw sa hindi pagsunod sa batas sa tinagurian nilang demokratikong gobyernong bayan.
Aminado ang rebelde na hindi kinikilala ng gobyerno ang paniningil ng revolutionary tax ngunit iginiit na dapat na kilalanin din ito.
Una rito, inihayag ng PNP Dumingag na nagka-aberya ang operasyon ng Ramona Construction Company dahil sa pagsunog ng NPA sa kanilang kagamitan gaya ng dump truck, grader at cement mixer.

Facebook Comments