Kusang loob na sumuko sa tropa ng 41st Mechanized Company ang isang squad leader ng New People’s Army (NPA) sa Purok Poblacion, Barangay Rogongon, Iligan City.
Ayon kay Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., ang sumuko ay kinilalang si Ilan Talha Binongkasan, alyas King, squad leader ng Squad Uno, Platoon Dos, Ace Company, Sub-Regional Committee 5, North Central Mindanao Regional Command.
Isinuko rin ni Talha ang kanyang isang 5.56mm M16 Elisco rifle na may tatlong magazines at 78 round of ammunition.
Batay sa imbestigasyon ng military, si Talha ay dating kabilang sa Guerilla Front 4A North Central Mindanao Regional Command na nagooperate sa Butuan City, Buenavista, at Nasipit, sa Agusan del Norte.
Sa ngayon isinasailalim na ito sa debriefing at bibigyan ng benepisyo ng gobyerno para makapag-bagong buhay.
Inaasahan naman ng militar na marami pang NPA ang susuko dahil sa mas pinaigting nilang combat operations laban sa NPA.