NPA? | Wanted sa kasong kidnapping at arson, arestado sa South Cotabato

T’boli, South Cotabato – Arestado ang lalaking wanted sa kasong kidnapping at arson sa bayan ng T’boli, South Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Rey Blasse , 44-anyos na sinasabing miyembro ng New People’s Army.

Ayon kay T’boli police station Chief Inspector Ramil Villagracia –ikatlong pinuno ng front committee 73 ng NPA ang suspek na itinuturong sangkot sa panununog ng mga construction equipment sa Sitio Palen, Barangay Edwards at pagdukot kay Private First Class Khen Subere ng 27th Infantry Batallion ng Philippine Army.


Itinanggi naman ni Blasse ang paratang na miyembro siya ng NPA na ngayon ay itinuturing na teroristang grupo.

Sa North Cotabato naman, dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng NPA ang Deputy Chief of Police ng president roxas na si Chief Inspector Menardo Cui.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung paano dinukot ang pulis.

Facebook Comments