NPC, handang makipagdayalogo kay Senator Lacson

Nais ng mga opisyal at miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na makipag-dayalogo kay Senator Panfilo Lacson sa Oktubre pagkatapos ng filing ng Certificate of Candidacy (COC).

Sinabi ito ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na siyang chairman ng NPC at planong tumakbo sa pagkabise presidente sa 2022 elections, katandem ni Lacson.

Ayon kay Sotto, sa ngayon ay hindi pa napag-uusapan sa NPC ang kanyang pagtandem kay Lacson.


Binanggit ni Sotto na hindi pa rin natatalakay ng NPC ang posibleng pakikipag-alyansa ng NPC sa pinamumunuang Partido Reporma ni Lacson.

Inihayag naman ni lacson, na sila ni Sotto, gayundin ang partido reporma ay bukas sa mga alyansa sa iba’t ibang partido pulitikal na nakahandang makiisa sa hangarin nilang ayusin ang bansa at iangat ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Ayon kay Lacson, sa ngayon ay nasa proseso ang partido reporma ng pag-consolidate sa mga dati at bagong miembro ng kanilang partido.

Facebook Comments