NPC, magsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa largest data breach ng Facebook

Inihayag ng National Privacy Commission (NPC) na magsasagawa sila ng imbestigasyon mula sa nakalap na impormasyon tungkol sa nangyaring ‘largest data breach’ sa Facebook.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NPC Chief of Public Information and Assistance Division Roren Marie Chin na sa 533 million Facebook accounts na apektado sa buong mundo, 879,699 dito ay account ng mga Pilipino.

Aniya, kabilang sa mga personal na impormasyon na nag-leak ay ang pangalan, kasarian, trabaho, mobile number, email address, tirahan at marital status ng indibidwal.


Dahil dito, nakipag-ugnayan na ang NPC sa Data Protection Officer ng Facebook at kasalukuyang bineberipika ang mga nakalap na impormasyon.

Sa huli, nagpaalala si Chin sa mga Pinoy Facebook users na maging matalino sa pagbabahagi ng personal na impormasyon sa social media at ugaliin ang regular na pagpapalit ng password.

Facebook Comments