Dagdag-singil sa kuryente, posibleng ipatupad ngayong buwan ng Abril

59

Posibleng magpatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Abril.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, batay ito sa pahayag ng Independent Electricity Market Operators of the Philippines (IEMOP) na bunsod ito ng pagtaas sa presyo ng kuryente sa spot market dahil sa pagbagsak ng ilan nilang planta.


Lumalakas din aniya ang konsumo ng mga tao sa kuryente dahil sa mainit na panahon.

Sa kabila nito, tiniyak ni Zaldariagga na walang putulan ng kuryente hanggang Abril 15.

Facebook Comments