NPC makikipag-pulong sa DFA hinggil sa passport data breach

Manila, Philippines – Aalamin ng National Privacy Commission (NPC) ang puno’t dulo ng passport data breach na ibinulgar ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin.

Ito ang sadya ng NPC sa nakatakda nilang pulong ngayong araw sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, maliban sa DFA kakausapin din nila ang private contractor na sinasabing nagnakaw ng personal information ng mga Filipino.


Matatandaang sinabi ni Secretary Locsin na kaya nangyari ang passport data breach ay dahil hindi na ni-renew pa ng DFA ang kontrata nito sa ahensya.

Sa ngayon, sinabi ni Liboro na wala pa naman silang nakukuhang impormasyon na ginamit sa ilegal ang personal information ng milyong Filipino.

Karaniwan daw kasi na kapag ang data ay napunta sa masasamang kamay ay nailalabas agad o hindi naman kaya ay naibebenta.

Facebook Comments