NPC, mga cyber-security expert mainam na magbantay sa isyu ng COMELEC hacking

Nakakakita si Partido Reporma Standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson ng kongkretong resulta sa pagsisiyasat sa napaulat na ‘hacking’ at data breach o pagnanakaw ng mga impormasyon mula sa Commission on Elections (COMELEC).

Sinabi ito ni Lacson sa harap ng pagkilos ng National Privacy Commission (NPC) at mga cyber security expert mula sa kanyang grupo para imbestigahan ang hacking sa COMELEC.

Ayon kay Lacson mabuting nag-ibestiga ang National Privacy Commission para makita lahat ang mga detalye.


Binanggit ni Lacson na ang Kongreso naman ay may tinatawag na Joint Oversight Committee sa automated election kaya pwede rin silang magsagawa ng imbestigasyon para madinig lahat ng mga eksperto pati ang mismong pinagmulan ng report.

Diin ni Lacson, hindi dapat balewalain ang isyung ito dahil malaki ang magiging implikasyon nito sa darating na Halalan kung kaya’t kailangang masiyasat nang mabuti, lalo na ng mga eksperto, ang sinasabing pruweba sa nasabing hacking incident.

Facebook Comments