Bagong kaso ng COVID-19 sa PNP, mahigit 500

33

Nagpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa record PNP Health Service ngayong umaga, umabot sa 548 ang mga bagong kaso ang kanilang naitala.

Dahil dito, umabot na sa 3, 766 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga pulis.


Samantala, 44 lang ang mga bagong gumaling sa sakit sa PNP.

Wala namang nadagdag sa mga nasawi kaya nananatili ang bilang nito sa 125.

Facebook Comments