Manila, Philippines – Nagbabala ang National Privacy Commission (NPC) sa publiko hinggil sa mga online application na namamahiya sa mga umuutang kapag pumalya sila sa pagbabayad.
Ayon kay NPC Commissioner Raymund Enriquez Liboro, umabot na sa 458 na reklamo ang natanggap nila hinggil sa mga apps na kinukuha ang contact list at mga electronic files sa telepono ng isang indibidwal bago ito pautangin.
Aniya, oras na pumalya sa pagbabayad ang borrower ay tatawagan o tinitext ng developer ng apps ang nasa contacts list nito para sabihing itong taong ito ay hindi nakabayad at ipinahihiya nila.
Pagtitiyak ni Liboro, dinidinig na nila ang mga reklamo, gayundin ang panig ng mga developer ng mga inireklamong apps.
Facebook Comments