Nagsasagawa na ng coordination ang National Privacy Commission (NPC) sa Facebook para imbestigahan ang mga naglipanang dummy at fake accounts sa social media platform.
Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, nakakatanggap sila ng insidente mula sa iba’t ibang sektor lalo na sa academic institutions.
Ipinagbigay na nila ang mga ulat kay Clare Amador, Facebook Representative sa Pilipinas.
Sinisilip na aniya ng Facebook ang mga ulat maging ang iba pang impormasyon hinggil sa hindi awtorisadong FB accounts.
Inatasan din ng NPC ang Facebook na maglabas agad ng findings sa lalong madaling panahon.
Samantala, pinayuhan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko na ilagay ang kanilang Facebook Account sa private at i-review muli ang kanilang security at privacy settings, at i-report ang mga blangko, doble at pekeng accounts.