Wednesday, November 11, 2026

NPC, natanggap na ang personal data breach notifications mula sa ilang ahensya ng gobyerno

Kinumpirma ng National Privacy Commission o NPC noong Martes ng gabi, November 10, na nakatanggap na sila ng personal data breach notifications mula sa sampung (10) ahensya ng gobyerno.

Kabilang dito ang;
1. Presidential Commission on Good Government (PCGG);
2..Department of Information and Communications Technology (DICT);
3. Department of Labor and Employment (DOLE), sa pamamagitan ng kanilang Bureau of Local Employment;
4. Bureau of Internal Revenue (BIR);
5. Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR);
6. Department of Justice (DOJ), sa pamamagitan ng kanilang Office for Alternative Dispute Resolution;
7. Securities and Exchange Commission (SEC);
8. Philippine Coast Guard (PCG);
9. Department of Trade and Industry (DTI); at,
10. Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS).

Ayon kay NPC Deputy Privacy Commissioner, Spokesperson Atty. Jose Belarmino II, mahalaga ang pagsusumite ng personal data breach notifications l, para magkaroon ng access at masuri ng Compliance and Monitoring Division ng NPC ang mga naiulat na insidente, epekto nito sa apektadong indibidwal, at ang mga ginawang hakbang ng ahensya para matugunan ito.

Sa ngayon, inihahanda na ng nasabing dibisyon ang ulat kaugnay ng resulta ng pagsusuri at rekomendasyon na isusumite naman sa Commission En Banc.

Paalala ng NPC, hindi nagtatapos sa pagsusumite ng personal data breach notification ang pagprotekta sa personal na datos, bagkus ay kailangan pa ring magtakda ng kaukulang hakbang ang mga ahensya ng gobyerno, para matugunan ang mga security incident, maibsan ang potensyal na epekto sa apektadong indibidwal, at palakasin ang proteksyon dito para hindi na maulit pa.

Samantala, hinimok naman ng NPC ang publiko na maging mapagmatyag laban sa phishing, fraudulent messages, identity theft, at iba pang banta na posibleng nagmula sa na-leak na personal na mga datos.

Facebook Comments