NPO, pansamantalang isinara matapos magpositibo sa COVID-19 ang 32 mga empleyado

58

Pansamantalang suspendido ang pasok ng mga empleyado sa National Printing Office (NPO) matapos magpositibo sa COVID-19 ang 32 na mga empleyado nito.


Ang naturang bilang ay mula sa 445 na indibidwal na unang sumailalim sa RT-PCR test.

Mananatiling sarado ang NPO hanggang August 14 at magpapatupad na lamang ng work- from -home.

Isinasagawa na ang disinfection activities sa NPO at kinakailangang sumailalim sa 14-day quarantine ang lahat ng nakasalamuha ng mga nag-positibo.

Facebook Comments