Mga miyembro ng PhilHealth mafia, pinangalanan sa pagdinig ng Senado

172

Sa pagdinig ng Senado ay tahasang pinangalanan ni PhilHealth Board Member Alejandro Cabading ang umano’y mga bumubuo sa mafia o sindikato sa loob ng PhilHealth na pawang mga mga miyembro ng PhilHealth executive committee.

Ayon kay Cabading ito ay sina:
1)Atty. Rodolfo del Rosario – Senior Vice President for Legal Sector
2) Dennis Mas – Senior Vice President for Managemenr Services Sector
3) Renato Limsiaco Jr. – Senior Vice President for Fund Management Sector, at
4) Jonathan Mangaoang – Corporate Secretary ng PhilHealth

Mariin namang itinanggi ni Del Rosario ang akusasyon at sa katunayan ay sila pa daw ang lumalaban sa korapsyon at sa mga abusadong indibidwal sa PhilHealth.

Nagbanta pa si Del Rosario ng legal na hakbang laban kay Cabading kapag hindi nito napatunayan ang kaniyang mga paratang.

Nangako pa si Del Rosario sa mga Senador na isisiwalat ang mga kalokohan ni Cabading sa isang executive session.

Facebook Comments