
May pakiusap ang National Resource and Logistics Management Bureau ng Department of Social Welfare and Development (NRLMB-DSWD) sa lahat ng gustong mag-volunteer para sa pagre-repack ng Family Food Packs (FFPs) na ipapamahagi sa mga komunidad na tinamaan ng lindol sa Cebu at Davao.
Hiniling ng NRLMB-DSWD na magsuot ang mga volunteers ng komportableng kasuotan at closed-toe shoes.
Nanawagan din ang DSWD sa mga volunteers na magdala ng reusable water bottle na kanilang gagamitin.
May dalawa namang shift para sa mga gustong mag-volunteer.
Ang unang shift ay 8:00 AM hanggang 12:00 NN mula Lunes hanggang Linggo.
Habang ang ikalawang shift ay 1:00 PM hanggang 5:00 PM.
Ang pag-repack ng mga FFPs ay isasagawa sa National Resource Operations Center NROC Warehouse, Chapel Road, Brgy. 195, Pasay City.









