Wednesday, March 11, 2026

NSA Año, naghain ng reklamo sa DOJ laban sa 18 nagpakilalang marines at sa abogado nito

Inireklamo ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año ang 18 nagpakilalang mga dating marines at ang abugado nila na si Atty. Levi Baligod sa Department of Justice (DOJ).

Naghain si Año ng reklamong cyber libel at perjury kung saan ang hakbang na ginawa ay upang linisin ang kanyang pangalan.

Giit ni Año, wala siyang anumang kinalaman sa flood control at hindi rin siya sangkot sa usapin ng International Criminal Court o ICC.

Aniya, walang detalye ang mga akusasyon laban sa kanya at halatang isinama lamang ang pangalan para siraan sa publiko.

Matatandaan na ito na ang ikalawang pagkakataon na nagreklamo si Año sa DOJ kung saan ang una ay nagreklamo siya ng unlawful publication o mga maling impormasyon na inihayag ng 18 nagpakilalang mga marines.

Facebook Comments