NSPC 2019 Umarangkada Na!

*Lingayen, Pangasinan* – Opisyal ng binuksan ngayong araw ang 2019 National Schools Press Conference (NSPC) sa Lingayen, Pangasinan ngayong araw na pinangunahan ni DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones kasama si Pangasinan Governor Amado Espino III sampu ng mga kawani ng Department of Education (DepEd)-Pangasinan I bilang host school’s division. Tinatayang nasa 5,000 campus journalists mula elementarya at high schools ang makikiisa sa NSPC ngayong taon kasama na dito ang mga advisers at delegation officials mula sa 17 na mga rehiyon ng bansa.

Ngayong taon ang temang napili ay “Fostering 21st Century Skills and Character-based Education through Campus Journalism,” na naglalayong tulungan ang mga kalahok na estudyante mula sa iba’t ibang panig ng bansa na bigyan ng bagong kaalaman at hasain ang kanilang galing sa larangan ng pamamahayag. Magkakaroon ng individual and group contests, school paper contests at mga journalism sessions na may kaakibat na workshops na gaganapin sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Ang individual contests ay magkakaroon ng patimpalak sa news writing, feature writing, editorial writing, sports writing, copyreading and headline writing, science and technology writing, photojournalism, editorial cartooning, at exhibition sa kategoryang column writing.


Samantala sa patimpalak para sa goup catery magkakaroon ng radio script writing and broadcasting contests, collaborative desktop publishing contest, at online publishing contest, TV script writing and broadcasting contests para sa sekondarya.

Para naman sa school paper contests magkakaroon ng tagisan ng galing sa larangan ng news section, features section, editorial section, science and technology section, sports section and layout and page design.

Ang NSPC at alinsunod sa Republic Act No. 7079 or the Campus Journalism Act of 1991.
*Photo-credited to www.facebook.com/NationalSchoolsPressConference/ <www.facebook.com/NationalSchoolsPressConference/>*

Facebook Comments