Nag-deliver na rin ng 500 kilo ng baboy ang National Tobacco Administration (NTA) sa Kadiwa food terminal sa Taguig City mula sa kanilang pasilidad sa Narvacan, Ilocos Sur.
Ginawa ito ng NTA para tulungan ang Department of Agriculture (DA) na mapatatag ang suplay at presyo ng karne ng baboy sa mga pamihilan sa Metro Manila.
Ayon kay NTA Administrator Robert Victor Seares Jr., binili ng NTA Kadiwa ang mga buhay na baboy sa African Swine Fever-free areas sa lalawigan ng Ilocos at Abra.
May inilaan nang ₱10 milyong pondo ang NTA para sa commitment nito na makapagsuplay ng 52,000 kilo ng baboy sa NCR.
Tatagal ang suportang ibibigay ng NTA sa Metro Manila hanggang sa unang linggo ng Marso.
Facebook Comments