NTC at DTI, pinakikilos sa refund ng TV Plus Box ng ABS-CBN

Pinakikilos ng ilang consumer ang Department of Trade and Industry (DTI) at National Telecommunications Commission (NTC) para sa mas mabilis na refund ng mga nabiling TV Plus Box mula sa ABS-CBN.

Ayon kay Atty. Larry Gadon, nilapitan siya ng ilang consumers at pinakakalampag sa DTI at NTC ang pagbalik sa kanila ng perang pinambili ng mga ito.

Noong nakaraang araw, naglabas ng cease and desist order ang NTC laban sa Digital Satellite Broadcast System (DSBS) ng ABS-CBN, Channel 43 at SKY Cable.


Paliwanag ni Gadon, iligal ang pagbebenta ng TV Plus Box kung kayat dapat ibalik ng ABS- CBN sa mga consumers ang perang pinambili nito.

Una nang nagbanta si Gadon na kaniyang kakasuhan ang mga NTC officials dahil pinayagan pa rin nitong magbroadcast ang ABS-CBN kahit expired na ang prangkisa noong May 4, 2020.

Facebook Comments