Ginebra San Miguel center Japeth Aguilar at Rain or Shine draftee Adrian Wong, ipapatawag ng PBA dahil sa paglabag sa quarantine protocols

Ipapatawag ng Philippine Basketball Association (PBA) sina Ginebra San Miguel center Japeth Aguilar at Rain or Shine draftee Adrian Wong, matapos lumabag ang mga ito sa quarantine rules.

Ito ang kinumpirma ni PBA Commissioner Willie Marcial kasunod ng pagkalat ng video sa social media kung saan makikitang naglalaro ang mga ito ng basketball kasama ang iba pang mga high-profile players.

Tiniyak naman ni Marcial na aalamin muna niya ang panig ng mga manlalaro bago magpataw ng kaukulang parusa.


Matatandaang una nang nagpasa ang PBA ng set of protocols sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) kung saan nakapaloob ang mga guidelines na kailangang sundin para sa pagbabalik-laro ng PBA at mga ensayo nito.

Facebook Comments