NTC hinikayat na maghain na ng resolusyon sa SC para makulekta ang P2.56B mula sa telco

 

Hinikayat ng isang policy think tank ang National Telecommunications Commission (NTC) na magsampa na ng Early Resolution sa Korte Suprema para makulekta ang P2.56 billion mula sa isang telecommunications firm.

Ayon kay Infrawatch PH convener Terry Ridon batay sa report ng Commission on Audit (COA), ang naturang halaga ay dapat makulekta ng NTC mula sa Next Mobile Inc.na dating NOW Telecom Company Inc.

Sinabi ni Ridon na ngayong nangangailangan ang bansa ng pondo para sa paglaban sa COVID-19 dapat nang maghain ng Motion for Early Resolution ang NTC sa nakabinbing petisyon ng NOW Telecom na humihiling na mabaligtad ang naunang pasya ng Court of Appeals (CA) sa naresolba nang collection issue.


Sa naging pasya noon ng CA, pinagtibay ang letter-assessments ng NTC para sa pagbabayad ng supervision at regulation fees, at ng spectrum user’s fees na aabot sa P126,094,195.67 at P9,6574,190.00.

Ayon kay Ridon, kung makapagpapalabas na ng resolusyon ang SC sa usapin malaking bagay ang P2.566 billion na makukulekta ng NTC mula sa NOW.

Sinabi ni Ridon na sa 2019 annual report ng COA sa NTC, angahensya ay mayroong “protested” receivables had na mahigit P3.304 billion. 97.3 percent ng nasabing halaga o P3.216 billion ay para lamang sa apat na mga kaso.

Ayon kay Ridon, ang halaga na maaring makulekta ng NTC sa NOW ay kaya nang makatulong sa 641,500 households ngayong may pandemya ng COVID-19.

Hinimok ni Ridon ang NTC na gumawa na ng agarang aksyon dahil napakahalaga aniya ng halagang maiaambag ng ahensya sa laban ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic. ###########

Facebook Comments