NTC, ipinag-utos sa FB, Shopee at Lazada na itigil ang pagbebenta ng SMS blast machines

Ipinatitigil ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Facebook (FB) at sa dalawang e-commerce apps ang pagbebenta ng SMS blast machines.

Kabilang sa pinagbabawalan ng NTC ay ang Lazada at Shopee.

Sa isang Cease and Desist Order (CDO) na pirmado ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, pinagbabawalan ang FB, Lazada at Shopee na magbenta ng SMS text blaster machines.


Wala aniyang kapahintulutan mula sa NTC ang pag-manufacture at pagbebenta ng nabanggit na kagamitan.

Ang paggamit nito ay tuwirang paglabag sa RA 3846 o Radio Control Law at NTC memorandum number 01-02-2013.

Kasunod nito ay pinasisipot sa NTC ang mga pinuno ng FB, Lazada at Shopee at pinagpapaliwanag sa loob ng labinlimang araw.

Magugunita na iniutos ng NTC ang imbestigasyon sa emergency blasts na umanoy natanggap ng ilang phone users na nag aanunsyo sa presidential bid ni Bongbong Marcos.

Facebook Comments