MANILA – Dumipensa ang pamunuan ng Globe sa mga natanggap na reklamo ng Philippine Competition Commission (PCC) na kumukwestyon sa pagbili ng Globe at PLDT sa 700 megahertz frequency mula sa San Miguel Corporation (SMC) Telecommunication Business.Pinarerebyu sa komisyon ang posibleng maging mga epekto nito sa market competition.Sa interview ng RMN kay Globe Corporate Communications Head Ms. Yolly Crisanto, nilinaw niya na hindi totoo na ang layon ng pagbili ay para wala nang makapasok na ka-kumpetisyong ibang internet provider sa bansa.Nabatid na hiniling ng PLDT at Globe na kung maari ay gumamit sila ng hanggang 700 Megahertz Frequency.Ipinaliwanag niya na ginawa nila ito para mas mapaganda ang serbisyo ng Globe sa kanilang mga consumer.Kaugnay nito, binigyan ng hanggang isang taon ng National Telecommunications Commission (NTC) ang dalawang telephone companies para ma-improve ang kanilang internet service.Ayon kay NTC Commissioner Edgardo Cabarios, dahil sa pagpayag sa paggamit ng 700 Megahertz Frequency ay inaasahan nito na lalong mapapabilis ang internet service gaya ng ipinangako ni Incoming President Rodrigo Duterte.Dagdag pa ni Cabarios na sakaling mabigo sila ay tatanggalin nila ang kanilang co-use agreement na ibinigay sa nasabing mga telcos.
Ntc, Nagbigay Ng Palugit Na Isang Taon Sa Mga Telephone Companies Para Mapabilis Ang Kanilang Internet Service
Facebook Comments