Umabot sa 9.43 billion ang halaga ng koleksyon ng National Telecommunications Commission (NTC) para sa taong 2023.
Lagpas ito ng 3.5 billion pesos o 6.2 percent sa collection target ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na 5.91 billion pesos.
Ayon sa NTC, ang malaking koleksyon ng ahensya ay bunsod ng pagsusumikap ng mga tauhan nito sa mahigpit na pagpapatupad ng stakeholders’ compliance sa pagre-remit ng spectrum users’ fees, at pagbabantay sa regulation fees at penalties.
Ang NTC ang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa mga cable at commercial television operators, broadcast radio stations, telecommunications companies at commercial and portable radio operators.
Ayon kay NTC Commissioner Ella Blanca Lopez said, sa pamamagitan ng systematic collection effort ng NTC, nakapag-aambag ito sa public service programs ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na nakasentro sa food security, free and universal primary education, at public health.