OTS, naglagay na rin ng security screening officers at X-ray machine papasok sa Quiapo Church

Naglagay na rin ang Office for Transportation Security (OTS) ng Security Screening Officers at x-ray machine sa entrance ng Quiapo Church.

Layon nito na ma-detect ang mga bagay na ipinagbabawal tulad ng mga armas para maprotektahan ang mga debotong dadagsa sa simbahan ng Quiapo.

Ayon kay OTS Office-in-Charge Assistant Secretary Jose Briones Jr., nag-deploy sila ng mga tauhan para mapanatiling panatag ang mga deboto habang idinadaos ang Traslacion ngayong taon.


Una nang nakakumpiska ang OTS ng balisong at bala mula sa debotong nagsimba sa Quiapo Church nitong Linggo.

Facebook Comments