Kapalaran nina Espenido at Mabilog, ipinauubaya na sa Maykapal ni PNP Chief Dela Rosa

Manila, Philippines – “The lord is in command.”

Ito ang naging reaksyon ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa kaugnay sa naging pahayag ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na kanyang ipinapanalangin ang kaligtasan ni Chief Inspector Jovie Espenido na una nang itinalagang Officer-In-Charge ng Iloilo City Police Office.

Ayon kay Dela Rosa, kanya ring uutusan si Espenido na manalangin para sa kaligtasan ni Mabilog.


Makailang beses nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa si Mabilog sa mga protector ng iligal na droga sa Visayas region.

Ayon kay Dela Rosa, alam na ng Panginoon kung sino kina Mabilog at Espenido ang dapat na kampihan.

Sa kasalukuyan nagsasagawa na sila ng case build up laban kay Mabilog kung totoong sangkot ito sa operasyon ng iligal na droga.

Kapag nakakuha na sila ng search warrant sa korte, ibig sabihin, matibay na ang kanilang kaso laban kay Mabilog.

Facebook Comments