Pinatitiyak ng National Telecommunications Commission(NTC) sa mga telecommunications company na siguruhin ang tuloy-tuloy at walang patid na serbisyo sa kanilang mga subscribers sa harap ng banta ng bagyong “Rolly” sa malaking bahagi ng Luzon.
Sa memorandum order ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa mga telco ay kanyang pinaalalahanan ang mga ito na tiyakin na may sapat silang tauhan o technical at support personnel maging standby generators na may extra fuel, tools at spare equipment sa mga lugar kung saan inaasahang tatama ang bagyong “Rolly”.
Kasama rin sa direktiba ni Cordoba sa mga telco, na magsumite ng reports sa NTC hinggil sa status ng kanilang respektibong network at pasilidad.
“In line with this, you are also directed to preposition mobile cellsites in the affected regions and these should be made ready for deployment anytime.
You are reminded of your responsibility to submit reports to the Commission of the status of your respective network and facilities.
For strict compliance.” Saad sa memo ni Cordoba.
Inaasahang tatama ang mata ng bagyong ‘Rolly’ sa Aurora-
Quezon area linggo ng gabi , November 1, 2020 o madaling araw ng lunes, November 2, 2020.
Samantala, inabisuhan naman ng main disaster preparedness agency ang publiko na maging mapagmatyag at doblehin ang pag-iingat laban sa coronavirus kasabay nang pananalasa ng bagyong ‘Rolly’ (international name Goni) o sumilong sa mas ligtas na lugar lalot papalapit ang bagyong sa kategoryang super typhoon.
“What we face today is not only a storm but also COVID-19,” saad ni Ricardo Jalad, executive director ng the National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).