NTC, tiniyak ang pagbibigay ng provisional authority sa ABS-CBN

Tiniyak ng National Telecommunications Commission (ntc) na mabibigyan ng provisional authority ang ABS-CBN para magtuluy-tuloy ang operasyon ng giant network.

Sinabi ni NTC Commissoner Gamaliel Cordoba sa meeting ng House Committee on Legislation Franchises kaugnay sa 11 franchise bills ng ABS-CBN, posibleng mabigyan nila ng provisional authority ang broadcast network para makapag-ere pa rin habang dinidinig naman ang kanilang franchise renewal.

Ayon kay Cordoba, susunod sila sa latest advise ng Department of Justice na bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN.


Tumanggi naman na si Cordoba na talakayin ang ilang legal matters dahil sa umiiral na sub-judice rule bunsod ng nakatakdang pagtalakay naman ng Korte Suprema sa quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General kaugnay sa franchise renewal dahil umano sa ilang mga nalabag ng network.

Iginiit din ng NTC na magkakaroon ng legal basis ang pag-i-isyu nila ng provisional authority kung maglalabas ng concurrent resolution para dito ang Kamara.

Samantala, binibigyan naman ang mga pro at anti na magsumite ng kanilang position papers hanggang April 15.

Facebook Comments