NTF Against COVID-19, nilinaw na wala pang travel ban sa Hong Kong

66

Nilinaw ng National Task Force Against COVID-19 na pinapayagan pa rin ang inbound flights mula sa Hong Kong.

Ito ay kahit nakapagtala na roon ng kaso ng mas mabilis makahawang COVID-19 variant na Omicron variant.

Ayon sa NTF, hinihintay pa rin nila sa ngayon ang desisyon ng Inter-Agency Task Force sa rekomendasyong isama ang Hong Kong sa mga bansang mayroon tayong travel ban.


Una nang sinabi ni NTF Spokesperson Restituto Padilla Jr. na ibinilang na ang Hong Kong sa travel ban kasama ng iba pang mga bansang mayroon nang kaso ng panibagong variant.

Facebook Comments