NTF, bukas sa mungkahing 2 linggong lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant

Bukas ang National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa lahat ng opsyon para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant sa bansa, kasama na rito ang panukalang dalawang linggong lockdown ng OCTA-Research group.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon na nakita naman natin ang naging karanasan ng ibang mga bansa sa Delta variant kaya’t dapat maging handa sa anumang preventive measures.

Gayunpaman, binigyang diin ni Dizon na kailangang balansehin ang pagtugon ng gobyerno kung saan ang total health ang nakasalalay.


Ani Dizon, magiging gabay sa ilalabas na desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga payo ng mga eksperto.

Kasunod nito naniniwala si Dizon na mahalagang tutukan ang pagpapalakas sa kapasidad ng mga ospital o ang pagpaparami sa hospital beds, hindi lamang ward beds kundi ng Intensive Care Unit (ICU) beds, at bilisan pa ang pagbabakuna na susi sa pagbibigay proteksyon sa ating mga kababayan.

Facebook Comments