NTF COVID-19, iginiit na kayang pagsabayin ang pagbubukas ng ekonomiya at pagpigil sa COVID-19

3D illustration

Iginiit ni National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon na kayang pagsabayin ang pagbubukas ng ekonomiya at ang dahan-dahang pag-control sa kaso ng COVID-19.

Sa pagbisita ng Inter-Agency Task Force National Task Force (IATF-NTF) COVID-19 at Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team sa Central Luzon sinabi ni Dizon na kinakailangan lamang ang pagtutulungan ng lahat.

Binigyang halimbawa niya ang mga interbensyon na ginawa sa Cebu na nakatulong sa pagpigil ng pagkalat ng virus.


Naging epektibo aniya ang ipinatupad na intervention-based PDITR o Prevent–Detect- Isolate-Treat-Reintegrate Strategy, isang community-based best practices na pamamahala para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Kayang pigilan ang transmission ng 85-90 % kung istriktong ipapatupad ang mga health protocols at ang pagtutulungan ng bawat isa.

Umabot na sa 6,965 ang confirmed cases sa Central Luzon, 2440 ang recoveries, 4,351 ang active cases at 174 ang namatay na.

Facebook Comments