NTF, dapat maging tapat sa totoong petsa ng pagdating ng COVID-19 vaccine sa bansa

Hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang National Taskforce Against COVID-19 (NTF) na tapusin at mag-commit na sa isang vaccination timeline bago maglabas ng anumang pahayag sa publiko sa gitna ng malalang unemployment sa bansa.

Nauna nang inihayag ng NTF na ang COVAX facility vaccines ay darating noong Pebrero 14, ngunit kamakailan lang ay naiulat na naantala ito ng higit dalawang linggo o sa Pebrero 26.

Puna ni Hontiveros, parang lang nagda-dart ng dates sa kalendaryo ang NTF atbahala na lang kung saan tumama.


Ayon kay Hontiveros, itong atras-abante ng NTF ay di nakakadagdag sa kumpiyansa ng publiko at sa halip ay nakakakapagpalito pa.

Binigyang-diin din ni Hontiveros na ang vaccination program ay malinaw na hindi nasimulan ng mahusay at sana ay magkaroon naman ng accountability o pananagutan ang NTF sa mga ini-aanunsyo sa taumbayan.

Giit ni Hontiveros, hindi dapat luwagan ang health protocols at tuluyang buksan ang ekonomiya hangga’t tumataas ang mga kaso ng COVID-19 at patuloy na naaantala ang roll-out ng pagbabakuna.

Katwiran pa ni Hontiveros, hindi pwedeng sasabay lang tayo sa agos pagdating sa national vaccination plan dahil mas marami ang magkakasakit, magugutom, mahihirapan at mamamatay.

Facebook Comments