DOH, nakapagtala ng mahigit 200 na bagong namatay sa COVID-19

51

Umaabot na sa 12,068 ang bilang ng mga namatay sa bansa sa COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala ngayong araw ang Department of Health ng 239 na bagong namatay sa COVID sa bansa.


2,240 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa bansa ay 559,288 na.

Ang aktibong kaso naman ay tumaas sa 34,100.

504 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ngayon ay 513,120.

Facebook Comments