NTF-ELCAC, dapat nang buwagin ayon sa isang senador

Mayorya na ng mga senador ang pumirma sa resolusyong kumokondena sa naging pahayag ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Lt. Gen. Antonio Parlade na “stupido” ang mga senador.

Kabilang dito sina:

Senate President Vicente Sotto III
Senate President Pro Tempore Ralph Recto
Sen. Nancy Binay
Sen. Leila de Lima
Sen. Sherwin Gatchalian
Sen. Richard Gordon
Sen. Risa Hontiveros
Sen. Panfilo Lacson
Sen. Lito Lapid
Sen. Francis Pangilinan
Sen. Grace Poe
Sen. Joel Villanueva
Sen. Koko Pimentel
Sen. Pia Cayetano


Kaugnay nito, sa inteview ng RMN Manila ay sinabi ni Senator Risa Hontiveros na 100 porsyento siyang pabor na tanggalan na ng pondo para sa susunod na taon ang NTF-ELCAC.

Paliwanag ni Hontiveros, dapat pa ngang buwagin ito dahil ang counter-insurgency function ng NTF-ELCAC ay matagal nang ginagawa ng ibang mga ahensiya ng pamahalaan.

Ito na rin aniya ang dahilan kung bakit noong nakaraang taon pa tinutulan ng minorya sa senado ang pagbibigay sa task force ng budget.

Facebook Comments