Dumipensa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kaugnay sa pagtaas sa P28 billion ng kanilang pondo para sa 2022 national budget.
Kasunod na rin ito ng panawagan ni Sen. Franklin Drilon sa mga mambabatas na tapyasan ang budget ng NTF-ELCAC at iba pang budget para sa security sector upang itaas ang pondo ng social services sector.
Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni NTF-ELCAC Spokesperson at Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco na ang nasabing pondo ay nakalaan sa Barangay Development Program (BDP) ng 1,406 na cleared barangay mula sa communist terrorist groups.
Ayon kay Egco, kung may katanungan ang mga mambabatas sa kanilang pondo ay tiyak na masasagot ito ng NTF-ELCAC sa budget deliberation.
Una na kasing pinangangambahan na posibleng magamit ang nasabing pondo para sa 2022 presidential elections.