NTF-ELCAC, nanindigan sa ginawang red-tagging laban sa ilang indibidwal at grupo

Nanindigan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ginawang red-tagging laban sa ilang indibidwal at grupo.

Ito ay matapos sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na delikado ang pangalanan bilang miyembro ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army o di kaya ng National Democratic Front ang isang indibidwal.

Ayon kay NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, walang panganib sa buhay na maidudulot ang pagkilala sa isang indibidwal bilang miyembro ng CPP-NPA-NDF.


Sa kabila nito, sinang-ayunan naman ni Badoy ang pahayag ni Guevarra mna dapat mayroon silang matibay na ebidensya sa pagpangalan ng mga miyembro ng communist group.

Naniniwala rin ang tagapagsalita na hindi nag-eexist ang red-tagging at sa katunayan ay ginagamit lamang ito ng CPP-NPA-NDF upang patahimikin ang mga nais silang ibuking hinggil sa kanilang mga tunay na pakay sa gobyerno.

Facebook Comments