NTF-ELCAC, PAIIGTINGIN NG NCIP REGION 2

Bibigyang pansin ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region 2 ang pagpapaigting sa Executive Order no. 70 o ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Lambak ng Cagayan.

Ayon kay Dr. John Paul Tong, tagapagsalita ng NCIP Region 2, batid aniya nito na ang mga kabataang katutubo ang madaling mahikayat ng mga makakaliwang grupo na umanib sa kanilang pangkat kaya tututukan aniya nila na impormahan ang mga ito para hindi marekrut ng mga NPA.

Kabilang sa kanilang hakbang ang pagsasagawa ng IP Summit at Youth Camp para maipaliwanag sa mga katutubong kabataan ang tungkol sa mga karahasan ng CPP-NPA at totoong nangyayari sa loob ng kilusan.

Mahalaga aniya na malaman din ng mga kabataan ang tungkol sa NTF-ELCAC para matapos na ang matagal ng problema sa armadong pakikibaka ng mga NPA at upang ganap na makamtan ang kapayapaan sa bansa.

Facebook Comments