NTF medical adviser, naniniwalang pwede nang alisin ang pagsusuot ng facemask sa outdoors venue sakaling tuluyan nang bumagsak ang COVID-19 cases sa bansa

Naniniwala ang medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 na maaaring nang hindi magsuot ng facemask kapag tuluyan nang bumagsak ang mga kaso sa susunod na mga linggo.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NTF Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na patuloy na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 dahil na rin sa pag-iingat ng publiko.

Ayon kay Herbosa, kung siya ang tatanungin ay pwede nang hindi magsuot ng facemask sa outdoors venues kundi sa indoors setting na lamang.


Ito aniya ay kapag tuluyan nang bumagsak ang mga kaso ng COVID-19 sa mga susunod pang linggo.

Bukod dito, pwede na rin aniyang luwagan pa ang iba pang patakaran nakaunan na indikasyon na papunta na ang bansa sa new normal.

Facebook Comments