Pinakamababang kaso ng COVID-19 ngayong taon, naitala ng DOH

Nakapagtala ng 853 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mababa ito kumpara sa 989 na kaso kahapon at ito ang pinakamababang naitalang kaso ngayong taon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 665, 747 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 50,230 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 1,062 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,558,747 na ang recoveries.

Samantala, nadagdagan naman ng 232 ang nasawi ngayong araw kung kaya’t sa kabuuan ay umabot na sa 56, 770 ang bilang ng mga nasawi.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong March 2 habang may dalawang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments